
Monday, January 11, 2010 @ 2:26 AM
Annyeong haseyo!
It's been three months since I my last post. And I really missed blogging. This is the longest time ever that I didn't update my blog. I've been busy for the last three months, or at least the first month. I really miss this.
So, ano bang nangyari sa buhay ko nitong nakaraang mga buwan.
This is a great way para ma-evalute ko din yung sarili. Tinatamad na ako mag-evaluate.
October 2009-intensive review for the
Nursing Licensure Examination. -pabalik-balik pa rin ako, Manila-Cavite kasi nga dahil sa review.
November 2009
This is the most nerve-wracking mind-blowing and stressful month in my life.
-Continous pa rin yung intensive review ko.
-and of course, the exam itself.
November 29-30-Para sakin yung ang pinakamahirap na part with the exam, well of course, mahirap talaga yung exam, as in. Pero ang mas nakapagpa-stress sakin... e tuwing iisipin ko yung exam. Lalo na yung mga last 3 days before the exam... sobrang stressing, sa utak. Though physically e hindi naman halata. Anyway, iba yung feeling after nung exam, parang cloud 9... parang nabunutan ako ng tinik. :D Pero nung nagtagal, naisip ko, hindi pa talaga dun nagtatapos ang lahat. Right now, I'm still waiting for the result to arrive... and it's coming soon. Grrrr. Kinakabahan na ako.
December 2009
Start na ng BUM life ko. For the whole month 3-5 times lang yata ako lumabas ng bahay. (Siyempre, hindi naman kasama dun yung pagbili-bili ko sa labas ng mga pagkain). Ayun, super tambay talaga ako. Patabaing baboy. Kain-tulog-internet lang gawain ko. At nagbago na rin bigla ang body clock ko. Hindi na ako makatulog ng mas maaga ng 3AM. Grabe, aswang mode. Mas buhay pa ako pag gabi. Ang dami ko ng drama/series na napanood. At lalo pang nadagdagan yung mga addictions ko sa Kpop world.
*eeee, fangirl mode* So ayun, super bum talaga ako at official tigalinis ng bahay (kahit na once a week ko lang naman talaga ginagawa yun.)
Well, at least nung last days ng 2009 medyo naging active naman ang buhay ko. Buti na lang at umuwi kami ng Batangas nun. Super enjoy talaga ang Christmas vacation. Na-miss ko yung mga pinsan ko. At na-miss ko din yung Batangas. Ang saya talaga pag kasama ang buong angkan. At dahil din dun,
*fangril mode ON* naging full-blown fan na ako ng Dong Bang Shin Ki (DBSK) na dati e, ayaw ko pang tanggapin. :P
January 2010Happy New year!
Hindi pa rin nagbabago yung mga ginagawa ko. Kain-tulog-internet pa rin. Masyado na akong napamahal sa kama ko at sa laptop ko. Nakakulong na ako dito sa bahay. What a lazy ass!
Well, at least na update ko na ulit 'tong blog ko. Ang dami ko ng namimiss. I'll blog it next time. Gusto ko lang malagyan ulit ng bangong post itong blog ko.
Hahaha. So random.
Visit me at tumblr. Mas active ako dun.
Annyeong!
Labels: Updates