
Monday, March 31, 2008 @ 10:24 PM by Marj |
Warning:
A very emo entry. Another out-of-this-world entry. Don't mind me. I just need to rant it out. I really feel so helpless. I felt like I am a person who's just waiting for the angel of death to fetch me. I felt like I'm just wasting m time here on Earth.
What is the essence of living here on Earth if I, myself, never lived it with function. I'm such a waste. Maybe, if I could just trade places with those people who are dying, I may become useful.
I just felt that I'm worthless.
I felt like I am not useful for my family, my parents, my siblings, my friends, my classmate, not even to a stranger. I am just someone who adds up to the population of the world. Someone who's existence is insignificant.. That even if I disappear no one will notice.
How I wish I was a wind... Even if they can't see me, I know that they can feel me.. I know that they are aware of my existence... =(
Labels: Emo-ness, Venting out

Saturday, March 29, 2008 @ 3:45 PM by Marj |
Nakaka-LSS yang kanyang yan ha. Napanood ko kasi sa patalastas kanina sa DOS, yun yung featured song sa "Your Song". Ayun, magda-download ako nun. Tagal mag-connect n Limewire e.
Anyway, sobrang dami.. as in SOOOOOOOBRAng dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang lingo. Siguro kung iisa-isahin ko yun, nobela na yung mata-type ko. Pero gusto ko pa rin mag-update, kaya lang tinatamad na ako mag-recall.
(Sus lagi na lang ganito simula ng mga blog ko ha, nakakasawa na.. Hahahaha!)Gusto kong gawan ng blog yung title ko.. Kapag ako ay nagmahal… In fairness, in love talaga ako ngayon. As in super in love to the gigantic level.. At ang taong nagmamay-ari ng puso ko ay walang iba kundi si..
Wu Chun.
Wu Chun is <33
Grabe, supercalifragilisticexpialidocious in love ako sa kanya.
Nauna ko siyang nakita nung panahong si
Mike He pa ang crush ko. May article kasi si
Mike He at kasama dun si Wu Chun. Pilit silang kinu-compare sa isa't-isa. Well, hindi ko sila masisisi dahil parehas uber hot ang dalawang papable na 'to.. Going back, at dahil nga dun, ni-research ko kung sino ba 'tong napaka-gwapong nilalang na 'to.. Kasabay pa nito, pinapalabas na sa DOS yung trailer ng
Hana Kimi. Sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya sa poster nung Hana Kimi, na in-love na ako ng lubusan.
Sobrang nakaka in-love talaga si Wu Chun. At siyempre dahil may pagka-stalker ako sa net, todo research talaga ko. Sa mga website, forums at fansite, para lang makakuha ng info tungkol sa kanya. At ang maganda pa nito, natuklasan kong may personal blog pala siya. Siya mismo nag-a-update nung mga entry dun. Nakakaaliw basahin yung mga entry niya
(di ko pa nga lang tapos). Ang gaganda nung mga entry niya, napaka-optimistic at makikita mo yung passion niya sa mga bagay na gusto niya.. Grabe, lalo tuloy akong na-inlove sa kanya.. Visiti his blog
here.
Isa pang nakakatuwa sa kanya,
mahilig siya sa pagkain. Kilala siya dun. Kahit nga yung mga props nila sa set kinakain niya rin e. Hahahaha.
Super love him.Anyway, ang gusto ko lang talagang sabihin,
super inlove ako kay Wu Chun. As in. Man of my dreams.. love of my life. Wala na kong hihilingin pang iba. Gee, super inlove na talaga.
Wu Chun is Love. <33
Plugs:
To all Wu Chun Fanatics...
Please support Wu Chun Fan Site.
CLICK HERE
Also join Wu Chun Fanatics @ Multiply.
CLICK HERE!Labels: Addiction, Asian Madness, Daydreaming, Fangirl-ing, LSS

Monday, March 17, 2008 @ 11:02 PM by Marj |
Warning: A very vague post.It still hit me. Damn.
I never thought that I would feel this way.After all those years.
After all those backstabbing.
After all those pain.
After all those bad words.
After all those
those things.
It's just freakin' weird. It makes me more insane.
This justifies the anger, pain, and regret I felt these past few years. I avoided this feeling, as much as possible.
This feeling that tore me into pieces. I stayed away from this feeling.
And now, it haunts me.
What makes it worse, I just can blurt it out to the whole world. I can't get into details. It's just can't.
Arggh. I want to stop. I need to stop.
I had moved on and I don't want to get through it all over again.
It's just,
there are things that you just can't forget, no matter how painful it is.
Look how one word brings back all the memories, those painful memories.
Labels: Vague exasperations

Sunday, March 16, 2008 @ 12:17 AM by Marj |
At ako nga'y nagbabalik. Matagal na rin walang (matinong) update 'tong blog ko. 18 days din akong hindi nakapag-update, tapos may hanging entry pa 'ko..
Na-miss ko 'to.. =)Isa sa mga dahilan kung bakit hind ako makapag-update dahil dumating na ang nakakaburaot ng
"Hell Month!" Toxic. Cramming. Rushing. Sleepless nights. (Sus, para namang ginawa ko lahat yun?!) Anyway, sandamakmak na requirements ang tinapos sa school. Kahit naman hindi ako ganun kasipag sa paggawa ng mga requirements na yun e (at hindi ko maipagmamalaki na nahirapan ako) Hell month pa rin 'to.. At sobrang nakaka-toxic talaga. As in. Bangag mode. Aswang Mode. Ngarag mode. Median & mode. Lahat na ng mode. Nagsabay-sabay yung mga gawain.
Kaya nakakatamad tuloy. Eto yung mga happenings these past few weeks:
- Ang 6pm-6am duty namin sa Tondo Medical Center. Ayon nga kay Kuya Jeff, eto ang ghetto na hospital. Hardcore. Two weeks kami dito, pero dalawang beses lang kami nag-duty dito. Dahil yung 6pm-6am is considered as two days, kasi hindi kami pwedeng mag 10pm-6am kasi may lecture pa kami ng Thursday. Kaya ayun. At dahil na rin sa naganap ng Transport Strike nung March 12, hindi na kami pinapasok nun. Shalla di ba?!
- Case Study. Hindi naman siya masyadong mahirap, kasi nagawa na naman ng mga groupmates ko yun. Thanks guys! At yung Drug study lang yung ginawa ko dun. Ay, pati pala yung mga Student's profile.
- Reports and presentation. Report sa Asian Civ. Actually, di naman talaga ako kasama dun sa group na magpe-present, pero tumulong ako dun sa pag-edit nung video nila. E hindi ko pa siya ma-save as movie file, kasi corrupted yung isang part nung movie, kaya ayun, hinati-hati ko na lang siya. In fairness, maganda naman yung kinalabasan at natuwa naman ang buong klase.
- Long exams. Ay, ito matindi. Mga exams namin. Mga pahabol na exams sa MS Nursing. Exam sa F&E, GI, Uro. at Endo. Ang hihirap, grabe. Parang board exam. Mga dragon talaga yung mga lecturer namin. Ang tindi magbigay ng exams. At halos lahat ng mga exam na 'to, late ko ng isang oras (e isang oras lang naman yung exam) Pati na rin sa Asian Civ, yung long test e pang Finals na. At eto ang the best sa lahat, kahit isa sa mga exam na yun ay hindi ako nag-review.. So, good luck naman sakin.
- Nursing Reseach & Defense. Ay ito ang pinaka"hell" sa lahat. Ang aming research. Good thing at mabilis natapos 'tong research namin, Thanks to Phoebe at sa lahat ng groupmates ko. Matapos ang lahat ng mga yun, nag-volunteer na ako na gumawa ng Slideshow presentation para sa defense namin. Ayun nagawa ko naman siya ng mabilis at maayos. Tapos aral na ng research para sa defense. Ngarag. As in. Tapos pagdating ng defense, well, sabi naman ng mga panelist e, maganda ang lahat ng research naming section at natutuwa sila samin. Hindi nga nagtagal yung defense e, wala pang isang oras bawat group at hindi masyadong nagamit yung presentation. Pero, all in all, proud naman ako sa nagawa naming lahat. Maganda ang kinalabasan. Thank you Lord!
Ang galing noh. Puro acads. =) hahaha, pero sa totoo lang, hindi ko naramdaman na ganyan karami yung dapat gawin. As in. Etong mga nakaraang linggo,
isa akong larawan ng patapong estudyante. Laging late, tapos ang dami ko pang absent. Ewan ko ba?! Sobrang katamaran na talaga. Di ko na mapigilan. Kaya humanda na ako sa kalalabasan ng mga ito. Hindi na ko magugulat kung may bagsak ako (pero Lord, wala naman sana). Siguro, ikamamatay ko kung may bagsak ako. Promise.
At sa pagitan ng mga pangyayaring yan sa buhay-eskwela ko, hindi nawala yung mga walang kamatayang pag-iisip ko ng tungkol sa buhay ko at sa lahat ng aspeto nito. Mula sa dulo ng daliri ko hanggang sa kasulok-sulukang bahagi ng utak ko, naiisip ko na yata lahat. Eto na yata ang
pinakamatinding pag-iisip na nagawa ko. Matindi hindi dahil marami akong natutunan kundi matindi dahil sa dami ng negative na bagay na naisip ko. Lahat ng mga desisiyon na ginawa ko, marami akong pinanghihinayangan.
Marami akong "what if's". At umabot pa ako sa point na gusto ko ng tumigil sa pag-aaral dahil ayoko talaga ng Nursing.Sobra talaga ang nangyari sakin nitong mga nakaraang linggo. Di ko akalaing aabot ako ng ganito. Di ko akalaing ganito na ang takbo ng utak ko. Natatakot na rin ako sa sarili.
Natatakot na ko sa mga bagay na iniisip ko. Minsan, iniisip ko na magkaroon na lang ako ng Selective Amnesia para makalimutan ko yung mga bagay na ayaw ko na isipin at maiwan lang yung mga magagandang bagay sa isip ko.
Anyway, marami na ko masyado nasasabi. I'll save it na lang for other entry. Gagawa ako ng ibang post para sa iba ko pang iniisip. Na-miss ko lang talaga mag-blog kaya ang dami ko na namang nasabi. Saka ko na rin ilalagay yung tungkol sa previous entry ko. =/
God Bless everyone.
yvetskie<3
Labels: College Blues, Insanity Strikes, Toxicity, Updates

Tuesday, March 04, 2008 @ 1:41 AM by Marj |
I've found
HIM
♥ ♥ ♥
and I just wish,
He was true..
=(Labels: Daydreaming, Ultimate Kiligera

@ 12:19 AM by Marj |
Pwede akong magpuyat..At mukhang nakikisama naman ang mga mata ko.. =) Hindi ako tinatamaan ng antok, magaling ako umilag. Duh. At ano ang pwedeng gawin kapag hindi ka pa inaantok...?
Una, manood ng series. Ngayon pwede na akong manood ng series ng hindi inaala ang pag-absent bukas. =) Pero ang sabi ko sa last entry ko, babawasan ko na ang panonood ko ng mga series. Pero hindi naman ganun kadali iwasan yun di ba. =) Hahaha, nagpapalusot pa. Pero ang pinagkaiba lang ng pinapanood ko, hindi ako ganun ka-hook dahil alam ko na yung ending ng pinapanood ko. Charmed.
My ever dearest Charmed. Season 5 na ako. Nanganak na si Piper.. =P Nakakaaliw pa rin yung mga
powers nila at yung mga
spells and potions and everything about being "the" Charmed one. At siyempre yung mga Charmed ones, itself. Love it!
Pangalawa, internet mania. Internet to the max. Problema lang, nawawala yung connection kasi hindi pa kami nakakapagbayad. Hehehe. At dahil nga internet mania, nakapag-post pa ako ng entry, at ito yun. Pero hindi rin ako makapag surf na maayos dahil iilang sites lang ang nadadalaw ko ngayon. Parang wala ako sa mood maghagilap ng mga maayos na sites. Puro, blogs lang.. Hay nakow..
Siguro e nagsawa na rin ako sa pagsu-surf.. Hay, sayang yung internet Mania.
Ayun.
Dalawa lang yung nagagawa ko. Ewan ko ba. Wala na naman kasi ako sa wisyo. Adik na naman.
Lumilipad na naman yung utak ko somewhere at nagsisimula na naman yung tag-lish ko. Ahahaha.
Ayun.
Gusto ko lang mag-post.
Nga pala, may bago na naman akong bagay na sinisimulang gawin at hopefully magawa ko nga yun. Nasimulan ko na siya at sana matapos ko. Talaga. Gusto kong matapos yun. Matagal ko ng pinaplano yun kaya lang hindi ko alam kung paano. Kasi nga iniisip ko baka hindi ko na naman siya matatapos. Pero ngayon, gusto ko talaga siyang gawin.
For the sake of memories... Hindi ko siya pwedeng sabihin kasi I don't wanna spoil it. Pero I think I'm lovin' it. Love it. Lalagay ko na lang yun dito kapag
constant ko nang nagagawa yun..
Ayun lang.
Ayun.
Labels: Insomnia Attack, Random Rants, Series Mania