
Monday, September 08, 2008 @ 1:28 AM by Marj |
Sobrang weird. As in. As in. As in.
Di ko ma-explain kung ano 'to. Kasi kahit ako nguguluhan. Sobrang weird talaga.
Wait lang, wait lang.
Kalma. Kalma. Kalma.
Gosh, ngayon ko lang ulit 'to naramdaman. Ang weird weird talaga. Bakit ko yun naramdaman. To think na it's been like six thousand years ago, pero bakit nag flashback lahat nung nangyari.
Parang naging strange ang reality ko, at parang mas malinaw yung memories ko. Bakit ganun na lang ang reaction ng sistema ko sa nakita at nabasa ko. Kung tutuusin e hindi naman talaga dapat dahil Jurassic na yung memories na yun.. Sobrang ewan.
Nabigla.
Nagulantang.
Natuwa.
Nangiyak.
Nasaktan?!
Naguluhan.
Nadala.
Nagsisi.
Teka.
STOP. Pag-isipan mong mabuti, Yvette!
Teka, teka, teka,..
Parang hindi naman tama yung mga naramdaman ko.
Siguro nabigla lang talaga ako sa nakita ko, kaya ganun na lang yung reaction ko. Di ko lang siguro expected yung nakita ko, kaya ganun. Nabigla lang ako nung husto.
Okay, ipaliwanag.
Basta, isang
(mahalagang) bahagi ng nakalipas.. isang bagay ang aking natuklasan.. Isang tao na naging parte ng buhay ko.
Ayun, may nalaman lang ako at ako'y nabigla. nagulantang at sadyang nawindang.
Nawindang lang ako sa reaction ko. Bakit ganun?!
Siguro, dala na rin ng mga nangyayari sa mga tao sa paligid ko sa kasalukuyan.
Nadala lang ako ng emosyon ng taong malapit sakin ngayon, kaya ganun na lang din ang naramdaman ko. Nadala lang ako sa naramdaman niya.
Pero para dun sa taong yun, masaya ako para sa kanya. Sa wakas...Matapos ko namang mapagnilyan ang mga bagay-bagay, pakiramdam ko, hindi naman totoo yung naramdaman ko nung nakita ko yung mga bagay na yun. Nadala lang talaga ako sa sitwasyon ni "princess". Kaya ayun, siguro pwede na nung i-justify yung naramdaman ko.
Ang weird pa rin.
Ewan.
Ang gulo.
Ang pinakamagandang gawin para dito ay:
"wag i-entertain yung naramdaman ko!"Labels: Exaggeration, Insanity Strikes, Weirdness