
Sunday, July 29, 2007 @ 2:27 PM by Marj |
1ST DUTY ROTATION
Meycauayan, Bulacanat last, nagkaroon din kami ng duty. medyo may kalayuan nga lang compared dun sa "suppose to be" clinical area namin sa Tondo, Manila. Napadpad kami sa
Meycauayan, Bulacan. probinsyang-probinsya ang aura, ang amoy at ang itsura.
(namiss ko tuloy bigla ang Isabela) Sa
Saluysoy, Meycauayan, Bulacan to be exact. sa Health Center dun.

all in all, naging masaya naman ang duty namin dun.
para lang kaming nagbakasyon. dahil nga kasi medyo malayo yun, napagpasyahan namin na mag-stay-in na lang dun. nung 1st week namin isang two days and one night, tapos ngayung week 3 days and two nights naman. o di ba bakasyon grande talaga. ang hindi lang maganda dun, wala kaming nakuhang case. wala kasing nanganak e. puro vaccine, BP, home visit, Leopold's Maneuver, kain kila Papa Ricci, kwentuhan at walang kamatayang pictorial.
babalik pa kami dun sa October, para mag make-up duty ng two weeks. tsk. sana naman by that time my mga cases na kami. *sigh*
Next stop sa Quezon City. Murphy Lying-In Clinic. siguro naman e may makuha na kaming cases dito. yung 1st group kasi na nag-duty dun nakaka-four cases na sila.. sana kami rin. :D
more photos here.ONE MONTH TO GO..malapit na ang birthday ko, halos isang buwan na lang.
excited na ko. LOL. wala lang. feeling ko lang kasi yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko. :D ano kaya ang gagawin ko sa aking special day..?! August 31... hmmm..
GREET ME... AYT?!
hayan lang muna ang updates ko. saka na yung iba kapag may mahabang time ko. busy na talaga ever e. dapat walang sayanging oras. mahirap na. you'll never know what would happen tomorrow.
luluwas pa ako ng Manila ngayun. my duty pa ako.
GRAVEYARD SHIFT. nakow!
God Bless everyone!
PS.
ang lakas ng kulog at kidlat ngayun. nakakagulat.
Credit:
Image from phoebeLabels: College Blues, Events, Toxicity

Sunday, July 08, 2007 @ 12:02 PM by Marj |
what keeps me going?!
life has always been ironic for me. or is it just me who makes it ironic. well, maybe..
blah blah blah blah..
aargh.. i can't continue this, i'm out of words. ^_^
halo-halo na 'to:
"bakit maraming nag-aaksaya ng oras para kay Wendy Valdez?!"she's getting into everyone's nerve yet they don't realize that they are already wasting their time for that b*tch
(sorry for the word). like what i'm doing right now. i really do hate her, a lot. but it doesn't mean that whenever i saw her on TV,
i should always react violently to whatever she's doin'. it goes like this: ang dami kong nakikitang tao na galit na galit kay Wendy and everytime na nakikita nila si Wendy sa TV, magre-react sila ng kung anu-ano. sobrang nagagalit sila at minsan todo mura pa. tapos yung talagang anti-Wendy, todo effort pa para makahanap sa internet ng mga masasamang bagay tungkol kay Wendy
(na sa kasamaang palad, e meron nga. poor Wendy) hindi ba nila naiisip na sila rin ang nawawalan kapag ginagawa nila yun. nawawalan sila ng oras sa mas productive na bagay. sino bang naiinis? sinong nabubuwisit? si Wendy ba?! hindi naman di ba?! pinapahirapan lang nila yung sarili nila. naba-bad trip lang sila. nagaaksaya lang sila
(ako) ng oras sa walang ka-kwenta-kwentang bagay.
pero sa kabilang banda, wala din naman akong magagawa dun. kung ganun ang gustong gawin ng ibang tao, bahala sila. buhay nila yun e. emosyon nila yun. desisyon nilang magalit. wala dapat akong pakiamalam dun, pero ito lang naman ang opinyon ko.
so wala ka ring pakialam. tsk. ok! peace pipol. :P
"Wala pa rin kaming duty"sa kasamaang palad, wala pa rin kaming duty. hanggang ngayun inaayos pa rin yung clinical area namin. kawawa naman kami. nasasayang lang yung mga araw na wala kaming duty. sayang din yung ibinayad namin para sa area na yun. dapat ibalik nila samin yung bayad para sa mga araw na hindi kami nakapag-duty. kasi pag kami naman ang hindi naka-attend ng mga duty, magbabayad pa kami for make-up duty. unfair naman yun.
unfair talaga, kasi yung iba naming classmates may kanya-kanya ng duty, tapos kami dini-delay nila. and its not just about the money,
it's the experience. unfair talaga. mahirap pa naman maghabol ng mga cases. nakakainis talaga. two weeks na ang nasasayang. asar talaga.
bakit halos lahat ng tao sa paligid ko, in-love?!haay,
love is in the air! para sa mga taong malalapit sakin. halo-halong emosyon ang natatanggap ko mula sa kanila. pero in-fairness naman,
kinikilig ako para sa kanila. natutuwa ako sa mga stories ng buhay pag-ibig nila.
*sight* just keep it coming. natutuwa talaga ako. gusto kong marinig lahat ng kwento niyo. ok! :D
*hingang malalim, sabay tingin sa langit* ako kaya, kelan makakapagkwento ng magandang love story?!?! ^__^ haay, naku naman. yvette, saka mo na isipin yan. magugulo na naman ang buhay mo.
*laughs* bitterness ba ito?!... hahaha! hindi naman. :P
Wish upon a star seaparami na ng parami ang mga wishes ko. wishes that can be also dreams. habang tumatagal ang pamamalagi ko dito sa mundo, parami ng parami ang hinahangad ko sa buhay. marami ang posibleng matupad at marami din naman ang imposible.
ironic. basta magulo kasi yun e. yung mga posibleng matupad sa mga wishes ko, malayo kasing matupad yung mga yun pero posible naman kaya lang kailangan ng
twist of fate para matupad yun. kaya posible pa rin siyang mangyari, pero hindi ko na inaasahan na mangyari yun. pero di ba,
all things are posible. eer. gets niyo ba?! ang gulo.
yung mga impossible wishes ko naman e beyond human's control. yung tipong resulta na lang ng imagination. eto yung ilan:
- lumipad katulad ng ibon.
- maging invisible.
- makapasok sa loob ng Black Hole at makabalik ng buhay sa Earth
- makakita ng baby na alien na katulad saUFO Baby (anime)
- magkaroon ng powers ni Prue, Piper, Phoebe at Paige. woo. the Charmed One. ayos!
- maging kasing liit ng bacteria, na sa microscope lang makikita.
- magkaroon ng bulsa ni Doraemon
- x-ray vision
- powers na kayang makipagpalit ng boses kay Lea Salonga, kahit one day lang
- time machine.
- makakita ng pot of gold sa dulo ng rainbow
yan lang ilang weird wishes ko. simple lang naman, pero imposible talaga. :D pero sa totoo lang my deeper meaning naman yung mga weird na wishes na yun.
it signifies my real dreams. basta, as of now, i'm working on my biggest dream for the moment. i just need to study hard to achieve it. it takes some discipline and courage.
i know that i can do it.achieving my goals are just like wishing upon a sea.. not a star. dahil ang stars, nakikita mo nga pero hindi mo maabot. kahit sabihin pa nilang abot kamay yun, hindi mo pa rin siya mahahawakan, hanggang tingin ka na lang. di katulad ng dagat, mahahawakan mo, mararating mo. ang dagat may malalim, may mababaw. malawak. parang mga pangarap mo,
isang malaking paglalakbay sa napakalawak ng karagatan. maraming unos na pagdadaan. may mga isdang mapanganib, pero marami din naman ang hindi. kung nasa kalagitnaan ka man ng dagat at wala kang makitang mga island,
may lagit ka namang pwedeng tingalain. dun ka huhugot ng pag-asa para magpatuloy sa paglalayag. mamalayan mo na lang, nakarating ka na sa destinasyon mo. kung saan ang lahat ng hirap, pasakit at pagdurusang naranasan mo ay mapapawi ng kaligayahang nararamdaman mo dahil naabot mo na ang matagal mo ng minimithi. it was all worth it.
ang dagat,
malawak man at malalim..
may hangganan pa rin.
Labels: College Blues, Dreamland, Random Rants, Ultimate Kiligera

Tuesday, July 03, 2007 @ 5:23 PM by Marj |
kumusta ang aking ung duty?!!?!?!?!
well, kumusta naman talaga noh?! as in.
July 2, 2007 (Monday)
this was supposed to be the start of our duty in
Amisola (somewhere in Tondo, Manila) pero wala pang naka-assign na clinical instructor(CI) sa group namin. and according to the announcement last Saturday, our class will go to the
Manila Naval Hospital for an orientation. so kahapon nga, pumunta na kami ng Manila Naval Hospital sa
Taguig. hayun, orientation lang. tapos umalis na rin kami after the orientation.
bumalik kami ng school para malaman kung ano na yung gagawin ng group namin kasi nga wala pa ring announcement para sa amin.
naghintay kami. naghintay, at naghintay. walang kamatayang paghihintay. dang! namuti na yung mga mata namin sa kakahintay ng announcement pero sa bandang huli, wala pa rin kaming napala. darn!
ang sagot kasi samin ng
College of Nursing, nakiki-pag coordinate pa rin daw sila sa mga administrator ng Amisola, at gusto nila na galing sa kanila yung magiging CI namin at hindi galing sa faculty ng EAC. hayun, tapos sabi sa amin, mag-report na lang daw dun sa College of Nursing the following day at 9am. hayun lang... yun lang ang nakuha naming announcement after waiting for almost 4 hours. darn!
nakakainis talaga yun, ang tagal naming naghintay. nagsayang lang kami ng time, money at energy. mas marami pa sana kaming nagawa kung sinabi nila yun ng mas maaga. hmmf.
July 3, 2007 (Tuesday)mas nakakainis na araw. akala ko pa naman sasabihin na samin na may duty na kami pero ang kinalabasan, library work.
papunta pa lang ako nung school, tapos nag-text ako groupmate ko. i ask him kung my announcement na ba para sa amin. ang sagot niya sakin:
"Library work. punta ka na dito sa main lib." what?!?! library work?! at pagdating ko nga sa library, andun na sila at nangangarag ng ngsasagot. binigyan kami ng pagkahaba-habang gawain. haay, nakakainis tlaga.
inabot kami ng limang oras para sagutan yun, well kasama na dun yung lunch at konting kwentuhan.
pero ang masaklap talaga dun,
wala kaming duty. Library Duty ang nangyari. kumusta naman yun. ano namang mga cases ang makukuha namin sa library. nakakainis talaga, nagsayang na naman kami ng oras. as in. at sa tingin ko e pinagawa lang samin yun para hindi kami mainip sa kakahintay sa announcement ng College of Nursing para sa aming duty. sigurado ako.
ang announcement lang samin e maghintay na naman sa announcement nila kasi hindi pa rin confirmed yung sa Amisola. kaya hayun. nakaka-bwisit talaga. puro na lang kami hintay ng hintay.
walang katapusang paghihintay.kahit naman na sobrang kinakabahan ako sa duty, ayaw ko naman na nasasayang lang yung oras ko sa paghihintay, kahit pabor sa takot ko yung pag-postpone ng duty namin, hindi naman siya pabor sa pag-aaral ko. dalawang duty na yung nasasayang samin at kami rin ang mahihirapan sa bandang huli. kami yung maghahabol para matapos yung mga cases namin. mas nakakatakot yun.
sana naman bukas ay maayos na yung schedule namin sa Amisola. para naman hindi na kami nagsasayang ng time, money and energy. :D at para na rin ma-overcome ko na yung takot ko. haay. sana talaga.
on the other hand, hindi lang naman puro nakakainis yung nangyari ngayun. may onting nakakatuwa namang nangyari.
natuto ako ng ilang Chinese language. :Dmeron kasi kaming classmate na Chinese. groupmate namin siya sa RLE. habang naghihitay kami sa ibang ka-group namin na matapos sa kanyang library work, nakikipagkwentuhan kami sa kanya. masaya siya kausap kasi madaldal siya. hindi katulad nung iba kong nakikitang chekwa sa school, seems like they don't talk. pero yung classmate namin, very friendly at nakakatuwa talaga. nung una tinuturuan siya ng mga classmate ko ng mga Tagalog words. may mga naiintindihan namin siyang konting Tagalog words. karamihan dun sa mga tinuturo ng classmates ko, mga bad words. pero alam naman niya hindi ganun kaaya-aya yung meaning nun. :D
habang tumatagal ang kwentuhan, unti-unti na kaming nagpaturo sa kanya ng
Chinese language. sa Chineses Characters, they only have
five basic characters. tapos pinagdidikit-dikit na lang nila yun para makabuo ng mga words. nakakaloka talaga yung characters nila. tapos meron yata silang
47 alphabets, pero yung iba dun e pinaghalong mga consonant and vowel letters. parang they have
23 consonants and 24 vowels. (correct me if i'm wrong, ok?!) may mga tinuro siya samin na word pero hindi ko na rin matandaan yung mga yun. nakakalito kasi. :D then lastly, tinuruan niya kami ng
Chinese Numerals. yung pronouncation lang plus yung hand signal
(may hand signal pala yung mga numbers nila) eto yung natutunan kong numbers:
one = yi (yee)
two = er (uhr)
three = san (sahn)
four = si (suh)
five = wu (woo)
six = liu (lyo)
seven = qi (chee)
eight = ba (bah)
nine = jiu (jyo)
ten = shi (shi) mejo iba pa yung mga pronouncation niyan.. nakakatuwa talaga. at first time ko lang marining yung song na
Qing Fei Di Yi (opening song of Meteor Garden) na kinakanta ng live ng isang Chinese. nakakatuwa talaga, kahit papano e naibasan naman ang pagka-bwisit ko sa aming duty.
lalo tuloy akong naengganyo na
mag-aral ng ibang language. french, german, british, spaninsh, arabic, korean, chinese at kung anu-ano pang language. as in.
gusto kong maging linguist. :D promise, matuto ako ng ibang language, kahit hindi lahat ng mga sinabi ko, at least two.. basta maayos. as in. itaga niyo sa bato!
<33
Labels: College Blues, Happy-ness, Toxicity

Sunday, July 01, 2007 @ 9:15 AM by Marj |
Today is July 1, 2007. July July July. what's with the month of July.. *deepest sigh* July is the month wherein our duty starts. the month that i am waiting?! or the most scariest month for me..
the feeling was constant. simula nung kauna-unahan kong ma-absorb na magkakaroon kami ng duty sa mga hospitals
(that was alomst 2 years ago) ganun pa rin yung nararamdaman ko. mixed emotions, pero nangingibabaw yung takot ko. takot ako sa mga posibleng mangyari sa akin, habang nasa duty ako. basta, marami akong kinakatakutan at ang mas masama dito, karamihan sa mga kinatatakutan ko, puro
irrational. non-sense. tsk tsk tsk! kahit alam ko na mga irrational fears lang ang mga ito, hindi ko pa rin talaga mapigilan yung sarili ko na matakot. hindi mawala sa isip ko yung mga negative thought about our duty. it just happen that i'm yvette, the one whose always
paranoid over those things.
tomorrow will be the day..
the day that will start it all. once it started, tuloy-tuloy na yun hanggang mamatay ako.. if ever.. i'll be a nurse all throughout my life.. kung magiging maayos ang pagiging student nurse ko at makapasa ng board exam, NCLEX, CGFNS, etc... but still it depends on my decision. it depends on my knowledge, skill and attitude. *sigh* tomorrow will be my first duty and i just want to have a peaceful mind, para naman hindi ako lumulutang bukas. i need strength. i need courage. AJA!
one thing's for sure, there's no turning back. no more
i-dont-want-to-be-a-nurse-anymore-and-i-want-to-shift type of person. i should just keep on going. i can't do anything about this matter so i'll just go with the flow.
Labels: College Blues, Toxicity, Venting out