
Friday, May 25, 2007 @ 12:42 PM by Marj |
some
people
just
don't get it
T_T
no one can understand me!
Labels: Emo-ness, Insanity Strikes

Friday, May 18, 2007 @ 6:57 PM by Marj |
its been one week, four days and some hours, since my last update. medyo busy lang ako, pero hindi ganun ka-busy para makapag-post ng entry. sobrang dami lang talaga ng inniisip ko.
walang hanggang pag-iisip.sa bawat araw, oras, minuto at segundo na lumilipas, parami-rami dina ng pumapasok sa isip ko. mga bagay na lalong nagpapakomplikado ng buhay ko. kung tutuusin, eto yung mga bagay na madalas ay hindi na dapat iniisip, mga bagay na hindi naman ganun kahalaga. ewan ko,
naguguluhan ako ngayun. naguguluhan ako sa mangyayari sa buhay ko. hindi ko alam.
magulo. nalilito ako.
pero kung ikukumpara sa dating ako, sa nararanasan ko ngayun, siguro nagwawala na ako ngayun. windang na windang siguro ako. pero ngayun, mas kalmado lang ako sa mga nangyayari. epekto nga siguro 'to ng pagiging 18 years old. naninibago na rin ako sa sarili ko.
marami na ang pinagiba ng ugali ko. pero marami pa rin ang hindi nagbabago.
naaliw at nababaliw pa rin ako sa buhay. ang dami nating dapat nararanasan na kung anu-ano. ang dami nating hinihingi. ang dami nating problema. ang dami nating mga kasiyahn. minsan masaya tayo. minsan naman, para tayong pinagsakluban ng langit at lupa. pero ang pinakamahalaga sa lahat, sa lahat ng pinagdadaanan natin,
may natututunan tayo sa buhay na nagpapalago sa ating mga pagkatao. habang ang tao ay nabubuhay dapat ay patuloy itong natuto at lumalago.
sabi nga ni henry ford: "you stop growing when you stop learning." so why stop learning, i want to grow. grow as high as i can. kasing taas ng natatanaw ng aking mga mata.
credits: imageLabels: Dreamland, Emo-ness, Venting out

Sunday, May 06, 2007 @ 6:39 PM by Marj |
May 5, 2007
Maderan, GMA, Cavite
around 7 o-clock in the evening

Jocelyn Jadion's 18th Birthday Party
my fashionista friends is now a lady.
it was very cool, and such an awesome event.
a whole lot of fun.

yellow & green theme
18 Candles
18 Roses
18 Treasures
18 Balloons
Jocelyn's family is complete.

- Ang daming food. sarap sarap.
daming handa ni Jho. as in. ang sarap mag food trip. kung hindi lang kami nakadress e, itotodo namin yung kain. tapos my mga fruits pa. sarap talaga. yum yum yum

- look whose on the party, its Jeverly.
after ilang years, nakasama ulit namin si Jeverly. everytime na my get together kasi or kapag my debut, hindi siya nakakapunta. pero dito sa birthday ni Jho(kung saan, ito na ang huling debut party samin, dahil 18 na kami lahat) buti na lang at naka-aatend siya! sobrang na-miss namin 'tong bababeng 'to!

- i just missed ate Rona. SOBRA.
i'm glad nagkta kami ulit. mejo matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Ate Rona, huling kita ko sa kanya e nung debut pa ata ni Jhenny. ang sarap niya talaga kasama. ever BEAUTIFUL talaga!

- reunion with IV-Hosea
muli kaming nagkasama-sama. sa mga ganitong pagkakataon lang kami nagkikita-kita. kapag my mga special event. pero nakakatuwa pa rin isipin na kahit nagkakalayo kami, e parang wala pa ring pinagbago. nakakamiss silang lahat!

- kwentuhan with the boys at the rooftop
ang kulit pa rin nila. di pa rin sila nagbabago. ang saya ng kwentuhan dito sa rooftop. kwento-kwento tungkol nung highschool. mga trip nung highschool at kung anu-ano pang pinagagagawa namin nung highschool. nagkaroon na namna ako tuloy ng i-missssss-highschool-syndrome!
- food trip with jennell & jeverly... "Bhe..."
para kaming mga magnanakaw ng pagkain nun. dun sa kitchen nila jho, kanya-kanya kaming hanap ng pagkain. pinaka-memorable dun e yung spaghetti. :D talagang binubukalat namin yung mga kaldero dun para hanapin yung sauce ng spaghetti. tapos nandun pa pala sa venue. tapos nung dumating na, nung kukunin na niya, tinulungan siya nung isang kaibigan ng papa ni Jho. tapos ang tawag pa sa kanya e "Bhe".. nakakatuwa!
- laugh trip with jennell & jeverly + Barry
pagkatapos namin kumain, tawa na kami ng tawa sa mga pinaggagagawa namin. tapos bigla pang bumaba si barry at nakisali pa samin. LAUGH TRIP talaga sobra yun. as in. ang sakit sa panga. tapos meron pa yun, ginagaya ni Barry kung paano magsalita si jevs, yung tipo daw na everytime na nagsasalita siya e palabas din yung hangin sa bibig niya. :D basta sobrang tawanana kami nun.

- 1-2-3 pass
- red lipstick para sa talo
- (pero pagkayumanggi, mukha lang pantal yung lipstick :D)
ito ang isa sa pinakamasayang ginawa namin kila jho, naglaro kami ng 123 Pass. hindi kompletp yung cards na nandun kaya ginawa na lang namin na tig-tatatlo yung bubuuing cards. mas mabilis. nung una, yung iba nangapa pa kasi 1st time nilang lalaruin yun. pero di rin yun nagtagal, ang bilis nilang nakuha. ang consequence namin dun sa natalo, papahiran ng lipstick. kaya lang yung lipstick namin e hindi masyadong makulay. para lang sa mga mapuputi yun. nung una, si IVY yung laging talo. kaya hayun tadtad ng lipstick sa mukha. tapos umayaw na siya. tapos sumunod naman sa yapak niya ung isa namin kasamang lalaki, di ko na matandaan yung name e, bsta taga-church siya. habang patagal ng patagal yung game, paiba na ng paiba yung rules, dayaan na 'to! dahil dito, laging talo si Barry, at humabol pa si Jevs. si jevs ang may pinakamaraming lipstick sa mukha. super saya ng 123 pass na 'to..
- chocolate cake from red ribbon.
sarap nung cake ni Jho, chocolate cake! yummy yummy yummy
- dvd. "My First Wedding"
nanood kami ng DVD, yan nga "My First Wedding", mejo boring yung movie kaya
- unti-unti na silang nakatulog.
ako.
wala akong tulog.
pero i enjoyed every minute of it.
super saya.
super enjoy.
i could not ask for more.

click the image above for more PHOTOS
Labels: Events, Friends 4ever, Happy-ness, Photo ops